BLOG (Isang Dipang Langit) - David, Jay Ron S.
1. Ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez ay masasabing tulang liriko o tulang damdamin na napaloob sa ehiya at masasabi din na ito ay isang teoryang bayograpikal dahil ipinahihiwatig ng tula ang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
Ang taglay ng diwa o tema ay malungkot at pagdadalamhating pagbasa, ito nga ay tulang damdamin na may temang pagluluksa.
Ang pinakamagandang saknong ay ang ikatatlong saknong na nagsasabing “Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib”, nagustuhan ko ito dahil hindi ko maisip kung gaano kahirap ang pagdudusa at mamuhay sa loob ng Bilibid at may mga kilala ako na nakalaya na ngayon at ito ang kanilang mga pahiwatig kung ano ang nangyayari sa loob ng bilangguan.
2. Si
Amado Hernandez ay isa sa mga tanyag na manunulat sa ating bansa, kilala siya
pagdating sa larangan ng pagsulat at kilala siya sa mga kritisimo patungkol sa
panlipunan hustisya, siya ay isinilang noong ika – 3 ng Septyembre 1903. Siya ay
sumali sa kilusang komunista at sa pagkaresulta ng kanyang pagkabilanggo.
MAIKLING KWENTO
3. Si Amando Hernandez ay isang manunulat at nabilanggo dahil sa pagsanib sa kilusang makakomunista, sa kanyang pagkabilanggo siya ay sumulat ng tula na pinamagatan “Isang Dipang Langit” na nagsasaad ng kanyang buhay sa loob ng Bilibid. Ayon sa tula siya ay ikinulong sa kutang mulapit at labis ang kanyang pighati na animo’y buhay ngunit parang siya ay patay na. Ang mga guwardiyang nagbabantay ay sintalim ng kidlat ang mga mata, mistulang maliit na pagkakamali ika’y paparusahan at ang hiyaw ng nagdudusa ay parang atungal ng hayop na nasa pintuan ng kamatayan. Habang sila ay binibilad sa tinik ng sikat ng araw ang kanilang mga paa ay may mga kadenang nakatali buong magdamag at ibabalik sa loob ng kung gabi na ang kanilang lungga ay ay parang libingan ng buhay. Ngunit matibaay ang loob ng may akda sapagkat sabi niya habang may hininga ay may pag-asa and Diyos ay di natutulog at di habang araw ang api ay inaapi lahat ng gawa ay may kapalit at hihintayin niya ang araw na wala nang luha at sasalubungin niya ang gintong araw ng kanyang paglaya.
Comments
Post a Comment