Posts

BLOG (Isang Dipang Langit) - David, Jay Ron S.

  1.      Ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez ay masasabing tulang liriko o tulang damdamin na napaloob sa ehiya at masasabi din na ito ay isang teoryang bayograpikal dahil ipinahihiwatig ng tula ang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.      Ang taglay ng diwa o tema ay malungkot at pagdadalamhating pagbasa, ito nga ay tulang damdamin na may temang pagluluksa.      Ang pinakamagandang saknong ay ang ikatatlong saknong na nagsasabing “Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib”, nagustuhan ko ito dahil hindi ko maisip kung gaano kahirap ang pagdudusa at mamuhay sa loob ng Bilibi...